Entertainment
Rochelle, ibinahagi ang mga aksidenteng naranasan ng SexBomb Girls sa reunion concert nila
Naging emosyonal si Rochelle Pangilinan nang balikan ang mga aksidenteng dinanas ng mga kapwa SexBomb Girls sa kanilang reunion concert.
By JAMIL SANTOS,GMA News179K reads

Naging emosyonal si Rochelle Pangilinan nang balikan ang mga aksidenteng dinanas ng mga kapwa SexBomb Girls sa kanilang reunion concert.
Sa kaniyang guesting sa I-Listen with Kara David, ikinuwento ni Rochelle na nangyari ang ilang aberya sa Round 4 ng kanilang concert noong Pebrero.
Isa sa mga unang aberya ang pagtagilid ng kanilang harness habang ibinababa sila sa stage sa opening number.



