Entertainment
Nova Villa, 14 o 15-anyos noon nang madiskubre ni FPJ sa isang canteen
Binalikan ni Nova Villa ang nakakakilig na pangyayari nang makita niya sa unang pagkakataon at makatitigan ang isang aktor na naging daan para makapasok siya sa showbiz—si Fernando Poe Jr. Anang veteran actress, nangyari
By JAMIL SANTOS,GMA News171K reads

Binalikan ni Nova Villa ang nakakakilig na pangyayari nang makita niya sa unang pagkakataon at makatitigan ang isang aktor na naging daan para makapasok siya sa showbiz—si Fernando Poe Jr. Anang veteran actress, nangyari iyon noong 14 o 15-anyos lang siya at naghihintay sa canteen. Niligawan nga ba siya ng hari ng Philippine movies? Alamin ang sagot ni Nova.
Sa nakaraan niyang guesting sa online showbiz talkshow na “Your Honor,” ikinuwento ni Nova na nagsimula ito nang yayain siya ng kaibigan at kapitbahay niyang komedyante na si Chichay, na pumunta sa Premiere Productions, na sikat noon na production company.



