Isinuko na ng BINI member na si Mikha Lim ang kanyang driver's license sa Land Transportation Office (LTO) matapos siyang makatanggap ng Show Cause Order (SCO) kaugnay ng umano'y paggamit niya ng cellphone habang nagmamaneho.
Ayon sa ulat ni Dano Tingcungco sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing personal na nagtungo si Mikha sa LTO Central Office noong Miyerkules, Nobyembre 11, kasama ang kaniyang manager upang isuko ang kaniyang lisensya, na isinailalim sa 90-araw na preventive suspension habang isinasagawa ang imbestigasyon.