Humingi ng tawad ang mga host ng Machong Chismisan matapos silang mapuna dahil sa kanilang mga pahayag kay Josh, na anak ni Kris Aquino.
Sa isang pahayag, kinilala ng host na si Makoy Pare na hindi lahat ng kanilang mga biro sa bawat episode ay nakakatawa o totoo.
“There has never been any intention to malign or punch down for the sake of likes or views, nor to raise ourselves to be a platform where the people speaking are always correct, or always funny,” sabi niya.