Entertainment
Lovi Poe tungkol sa kaniyang Hollywood career: 'Nakaka-intimidate pero masarap 'yung pakiramdam'
Inilahad ni Lovi Poe na nakakakaba ang kaniyang karanasan na gumawa ng pelikula sa Hollywood. Ang aktres, aminadong starstruck sa mga sikat na aktor na nakatrabaho niya.
By JAMIL SANTOS,GMA News84K reads

Inilahad ni Lovi Poe na nakakakaba ang kaniyang karanasan na gumawa ng pelikula sa Hollywood. Ang aktres, aminadong starstruck sa mga sikat na aktor na nakatrabaho niya.
Sa nakaraan niyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong si Lovi ni Tito Boy tungkol sa karanasan niya ng paggawa ng pelikula sa Amerika.
“When I shot this movie called ‘Bad Man,’ and I remember, nakakakaba. Kasi nakaka-intimidate. First, lahat ng mga tinitingala mong artista nandoon, si Sean William Scott, si Chance Perdomo, Johnny Simmons, lahat sila nandoon, nakaka-starstruck. Tapos, kailangan buong-buo pa 'yung English mo,” natatawang pag-alala ni Lovi.



