Entertainment
LOOK: Personalities, celebrities na dumalo sa 2026 SONA ni Marcos
Ilang kilalang personalidad at celebrities sa bansa ang kabilang sa mga panauhing dumalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Batasang Pambansa sa Quezon City nitong Lunes.
By HERMES JOY TUNAC, GMA News187K reads

Ilang kilalang personalidad at celebrities sa bansa ang kabilang sa mga panauhing dumalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Batasang Pambansa sa Quezon City nitong Lunes.
Sa ikalawang sunod na taon, walang inilatag na pulang carpet sa North Wing at South Wing ng Batasang Pambansa. Gayunman, dumating pa rin ang mga panauhin na angkop ang kasuotan para sa okasyon, at marami sa kanila ang nagsuot ng mga elegante at magagarang likha ng mga Pilipinong fashion designer.



