Entertainment
Korean actor na si Lee Yong Joo, patay sa atake sa puso - report
Pumanaw sa edad na 44-anyos ang Korean actor na si Lee Yong Joo.
By GMA News187K reads

Pumanaw sa edad na 44-anyos ang Korean actor na si Lee Yong Joo.
Ayon sa The Chosun Daily, namatay ang South Korean actor dahil sa atake sa puso noong Sabado, Agosto 29.
Isang malapit na kaibigan ni Lee Yong Joo ang nagkumpirma ng malungkot na balita sa social media at sinabing biglaan ang pangyayari at mahirap paniwalaan.
Isinagawa ang seremonya ng pagluluksa sa Bundang Jesaeng Hospital Funeral Hall sa Seongnam, Gyeonggi Province.



