Entertainment
John Arcilla, napraning sa pet cremation scam; ipinasuri ang mga labi ng namayapa niyang mga aso
Nagtungo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor na si John Arcilla nitong Miyerkoles dala ang mga urn ng dalawa niyang pumanaw na aso para ipasuri ang mga labi nito.
By JAMIL SANTOS,GMA News154K reads

Nagtungo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor na si John Arcilla nitong Miyerkoles dala ang mga urn ng dalawa niyang pumanaw na aso para ipasuri ang mga labi nito.
Pag-amin ng aktor, nagkaroon siya ng "paranoia" kasunod ng pagrereklamo ng ilang pet owners laban sa Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium sa Bacoor City, Cavite, matapos mapag-alamang hindi umano labi ng mga fur baby ang laman ng mga urn na ipina-cremate sa kanila.



