Entertainment
John Arcilla, emosyonal nang alalahanin ang pagkawala ng kaniyang ama at 2 kapatid noong pandemic
Hindi napigilan ni John Arcilla na maging emosyonal nang balikan ang pagkawala ng kaniyang ama at dalawang kapatid noong COVID-19 pandemic.
By JAMIL SANTOS,GMA News133K reads

Hindi napigilan ni John Arcilla na maging emosyonal nang balikan ang pagkawala ng kaniyang ama at dalawang kapatid noong COVID-19 pandemic.
Sa kaniyang guesting sa “Kay Susan Tayo! Vlogs,” nagbalik-tanaw si John sa mga dagok sa kaniyang buhay bago nakamit ang Best Actor award mula sa Venice International Film Festival.
“Nasa ano ako nu’n, lock in taping. Medyo masakit kasi 'tong part na 'to. Kasi nu’ng pandemic nawala 'yung tatay ko tapos 'yung kuya ko, tapos 'yung bunsong kapatid namin because sa COVID. So medyo itong part na 'to ng life ko is talagang medyo mabigat,” panimula niya.



