Entertainment
Jeric Raval, aminadong napapaaway noon dahil sa pagiging action star; feeling Steven Seagal 'pag nakainom
Natatawang binalikan ni Jeric Raval ang mga karanasan niya noong kaniyang kabataan na may pagkakataong napapaaway siya kapag may nais sumusubok sa kaniyang pagiging action star. Pakiramdam din daw niya noon, para siyang
By JAMIL SANTOS,GMA News189K reads

Natatawang binalikan ni Jeric Raval ang mga karanasan niya noong kaniyang kabataan na may pagkakataong napapaaway siya kapag may nais sumusubok sa kaniyang pagiging action star. Pakiramdam din daw niya noon, para siyang si Steven Seagal kapag nakakainom.
“Sa labas naman, siyempre, ‘pag action star ka, akala nila talagang top guy ka, magaling ka. 'Yung ginagawa mo sa pelikula, kaya mo gawin sa tunay na buhay. Hindi nila naiintindihan pelikula lang ‘yan, image lang ‘yan,” sabi ni Jeric sa nakaraan niyang guesting sa Kay Susan Tayo! Vlogs ni Susan Enriquez.



