Entertainment
'Filipiñana,' pambato ng Pilipinas sa Oscars
Ang “Filipiñana” ang opisyal na pambato ng Pilipinas para sa Best International Feature Film category sa ika-99 na Academy Awards o Oscars.
By GMA News195K reads

Ang “Filipiñana” ang opisyal na pambato ng Pilipinas para sa Best International Feature Film category sa ika-99 na Academy Awards o Oscars.
Sa isang anunsyo nitong Linggo, inihayag ng Film Academy of the Philippines (FAP) na pinili ang pelikula ng isang komiteng binubuo ng mga eksperto sa industriya na inaprubahan ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS).
Sinuri ang mga pelikulang napabilang sa shortlist batay sa husay sa sining, kaugnayan sa kultura, at potensiyal na maisulong ang international campaign.



