Nagsalita na si Faith Da Silva tungkol sa larawang nakita siyang kasama ni Sam Verzosa sa Los Angeles International Airport (LAX). Sinagot din niya ang tanong sa “Fast Talk with Boy Abunda" kung boyfriend ba niya ang negosyante. Alamin.
“We were there as a group. It’s a group trip. Pangarap ko yun , pangarap ko to be there,” sabi ni Faith sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, na idinagdag na una niya iyong pagbisita sa United States.