Entertainment
Estudyanteng babae, hinalikan at hinawakan umano sa dibdib ng tricycle driver na nasakyan niya sa Dagupan City
Kumaripas ng takbo at umiiyak na humingi ng tulong sa mga empleyado ng isang establisimyento ang isang 18-anyos na estudyanteng babae na hinalikan at hinawakan umano sa dibdib ng tricycle driver na kaniyang sinakyan sa D
By GMA News134K reads

Kumaripas ng takbo at umiiyak na humingi ng tulong sa mga empleyado ng isang establisimyento ang isang 18-anyos na estudyanteng babae na hinalikan at hinawakan umano sa dibdib ng tricycle driver na kaniyang sinakyan sa Dagupan City, Pangasinan.
Sa ulat ni Sendee Salvacio sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, ipinakita ang video na kuha ng estudyante na tumatakbo at umiiyak na nagsumbong sa security guard sa isang establisimyento dahil sa pambabastos na ginawa umano sa kaniya ng driver ng tricycle.



