Entertainment
Donita Nose, nagkuwento tungkol sa bagong lovelife; ekis na sa mga lalaking nananakit
Ibinahagi ni Donita Nose na mayroong bagong nagpapatibok ng kaniyang puso. Ang komedyante, iwas na rin sa mga partner na nananakit.
By JAMIL SANTOS,GMA News107K reads

Ibinahagi ni Donita Nose na mayroong bagong nagpapatibok ng kaniyang puso. Ang komedyante, iwas na rin sa mga partner na nananakit.
“Oh my God! Mahal, alam mo ‘yan. Kaaaway lang namin kanina,” sabi ni Donita sa nakaraan niyang guesting sa Your Honor!
“Normal naman ‘yun ‘di ba? Tampu-tampuhan. Pero okay naman. Happy naman kami,” dagdag niya.
Ayon kay Donita, anim na buwan na sila ng kaniyang partner.



