Entertainment
Direk Monti Parungao, pumanaw na
Pumanaw na ang batikang director na si Monti Parungao sa edad na 58.
By GMA News128K reads

Pumanaw na ang batikang director na si Monti Parungao sa edad na 58.
Ibinahagi ng kaniyang pamilya ang malungkot na balita sa Facebook post nitong Martes.
“It is with great sadness that the Parungao family announces the passing of EDGARDO PUNO PARUNGAO III (Direk Monti) on September 1, 2026. Details of a service to celebrate and honor his life will follow,” saad ni Hardy Parungao sa isang post.
“The family is grateful for your prayers, love and support,” dagdag nito.
Noong 2025, nag-post si direk Monti tungkol sa kaniyang pakikipaglaban sa sakit na colon cancer.



