Entertainment
Bimby Aquino, nais na maagang mag-asawa; hangad na kasama ang inang si Kris sa araw ng kasal niya
Inihayag ni Bimby Aquino na nais niyang makasama ang kaniyang inang si Kris Aquino sa simbahan kapag ikinasal na siya.
By GMA News126K reads

Inihayag ni Bimby Aquino na nais niyang makasama ang kaniyang inang si Kris Aquino sa simbahan kapag ikinasal na siya.
Sa programang “Fast Talk With Boy Abunda,” ibinahagi ni Bimby, na kasalukuyang single, na umaasa siyang makapag-asawa sa edad na mid-20’s.
"I wanna marry early, quite early. Mid to late twenties. But I'm preferring mid," ani Bimby na 19-anyos na ngayon.
Samantala, sinabi ni Kris na posibleng wala na siya kapag ikinasal na ang kaniyang anak dahil na rin sa kaniyang mga sakit.



