Entertainment
Bianca Umali sa pagbibigay ng second chance: 'There's nothing wrong with forgiving'
Naging bukas si Bianca Umali sa naging sigalot noon sa relasyon nila ng nobyong si Ruru Madrid na kaniyang pinatawad sa kabila ng nagawang pagkakamali.
By GMA News172K reads

Naging bukas si Bianca Umali sa naging sigalot noon sa relasyon nila ng nobyong si Ruru Madrid na kaniyang pinatawad sa kabila ng nagawang pagkakamali.
Sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong ni Tito Boy ang aktres kung papaano niya nagawang mapatawad si Ruru sa isyu ng pagtataksil sa kanilang relasyon.
"Panalangin,” sabi ni Bianca. “And I think it's not just towards Ruru. I have gotten hurt not just by people, by circumstances in life, so many times."



