Entertainment
Bea Alonzo, ibinahagi ang ilang larawan mula sa civil wedding nila ni Vincent Co
Nagbahagi sa social media nitong Miyerkules si Bea Alonzo ng mga larawan kaugnay sa naging kasal nila ng negosyanteng si Vincent Co.
By CARBY ROSE BASINA, GMA News76K reads

Nagbahagi sa social media nitong Miyerkules si Bea Alonzo ng mga larawan kaugnay sa naging kasal nila ng negosyanteng si Vincent Co.
Sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso actress ang limang black-and-white na larawan mula sa kanilang simple at pribadong civil wedding sa Makati, kabilang ang larawan ng kanilang mga singsing at wedding cake.
“Home,” simpleng caption ni Bea sa post na may kasamang white heart emoji.



