Entertainment
Ate Gay, nasa ICU; pamilya, umapela ng tulong pinansiyal
Sa pamamagitan ng social media post, ibinahagi ng pamilya ni Ate Gay, o Gil Aducal Morales, ang lagay ng kalusugan ng stand-up comedian na dating natuklasan na mayroong sakit na cancer. Umapela sila sa pinansyal na tulon
By GMA News52K reads

Sa pamamagitan ng social media post, ibinahagi ng pamilya ni Ate Gay, o Gil Aducal Morales, ang lagay ng kalusugan ng stand-up comedian na dating natuklasan na mayroong sakit na cancer. Umapela sila sa pinansyal na tulong para sa kaniyang pagpapagamot.
Sa Facebook account ni Ate Gay, ibinahagi ng pamilya Morales nitong Martes na halos isang linggo nang nasa intensive care unit (ICU) ng Asian Hospital and Medical Center ang komedyante.
"During this difficult time, our family is humbly reaching out to your kind hearts for any financial assistance to help support his ongoing medical needs," pahayag ng pamilya habang ibinahagi ang iba't ibang paraan para makapagpadala ng donasyon.



