Entertainment
Angel Castro, inihayag ang tampo sa ina: 'Parang itinapon lang po ako'
Hindi napigilang maging emosyonal ni Angel Castro nang ilahad ang kaniyang hinanakit tungkol sa hidwaan nila ng kaniyang inang si Raven Villanueva. Sinabi rin ng aktres kung paano nakaapekto sa kaniyang paglaki ang paghi
By JAMIL SANTOS,GMA News135K reads

Hindi napigilang maging emosyonal ni Angel Castro nang ilahad ang kaniyang hinanakit tungkol sa hidwaan nila ng kaniyang inang si Raven Villanueva. Sinabi rin ng aktres kung paano nakaapekto sa kaniyang paglaki ang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang.
Sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda,” inilarawan ni Angel na bilang isang bata noon, para siyang “manananggal” na hati ang buhay habang namamalagi sa kaniyang lola.



