Entertainment
Alden Richards, unang guest ni Vice Ganda sa bagong season ng 'Gandang Gabi Vice' na nasa GMA na!
Si Alden Richards ang magiging special guest sa pilot episode ng pinakabagong season ng late night talk ni Vice Ganda na “Gandang Gabi, Vice.”
By GMA News71K reads

Si Alden Richards ang magiging special guest sa pilot episode ng pinakabagong season ng late night talk ni Vice Ganda na “Gandang Gabi, Vice.”
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, inilahad ni Vice na na-starstruck siya kay Alden sa isang event noon pang 2017.
Dati na ring inihayag ng TV host na kasama ang Asia’s Multimedia Star sa mga gusto niyang mai-guest sa kaniyang show.



