Entertainment
3 special stories, handog ng Magpakailanman sa ika-24 anibersaryo ngayong Nobyembre
Star-studded ang tatlong special at inspiring stories na itatampok sa ika-24 anibersaryo ng award-winning Kapuso drama anthology na “Magpakailanman” ngayong Nobyembre.
By GMA News180K reads

Star-studded ang tatlong special at inspiring stories na itatampok sa ika-24 anibersaryo ng award-winning Kapuso drama anthology na “Magpakailanman” ngayong Nobyembre.
Sa ulat ng GMA News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing unang mapapanood sa Sabado, Nobyembre 7, sa “Mag-ama, Reunited sa Bus” episode, na pagbibidahan ni Sparkle star Caprice Cayetano bilang si Jinky.
Ang kuwento ay tungkol sa viral na reunion ni Jinky at ng kaniyang ama makaraan ang dalawang dekada,at naganap ito sa loob ng isang pampasaherong bus.



