National
Taxi driver na tumugon sa 'tawag ng kalikasan' sa gitna ng kalsada, kailangan ngayong tumugon sa 'tawag' ng LTO
Dahil sa pagtugon sa “tawag ng kalikasan,” umihi umano ang isang taxi driver sa gilid ng kaniyang sasakyan habang nakatigil sa gitna ng daan sa Iloilo City. Ngayon, ang tawag naman ng Land Transportation Office-Region VI
Ni GMA News60K nabasa

Dahil sa pagtugon sa “tawag ng kalikasan,” umihi umano ang isang taxi driver sa gilid ng kaniyang sasakyan habang nakatigil sa gitna ng daan sa Iloilo City. Ngayon, ang tawag naman ng Land Transportation Office-Region VI ang kailangan niyang tugunan, at damay pati ang operator ng taxi.
Sa ulat ng GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Huwebes, ipinakita ang video ng insidente na mula sa LTO-VI, sa ginawang pag-ihi ng driver na nangyari umano sa highway na bahagi ng Barangay San Rafael sa Mandurriao.



