National
Tangke, tumalsik sa taxi matapos sumabog mula sa isang junk shop sa QC; gas station nadamay din
Nawasak ang harapang bahagi ng isang nakaparadang taxi matapos itong matalsikan ng sumabog na tangke mula sa isang junk shop sa Barangay Nagkaisang Nayon, Quezon City. Ang isang gasolinahan, nadamay din.
Ni GMA News64K nabasa

Nawasak ang harapang bahagi ng isang nakaparadang taxi matapos itong matalsikan ng sumabog na tangke mula sa isang junk shop sa Barangay Nagkaisang Nayon, Quezon City. Ang isang gasolinahan, nadamay din.
Sa ulat ni Jamie Santos sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing naganap ang insidente sa General Luis Street magtatanghali.
Basag ang windshield ng taxi matapos tumalsik ang acetylene tank.



