National
Sangkaterbang tuna, nahuli sa Pagudpud; ibang isda, ipinamigay na dahil sa sobrang dami
Nagpasalamat at nagulat ang mga mangingisda sa Pagudpud, Ilocos Norte matapos silang makahuli ng halos dalawang toneladang malalaking tuna. Sa sobrang dami ng kanilang nahuli, ipinamigay na lang ang ibang isda upang hind
Ni GMA News49K nabasa

Nagpasalamat at nagulat ang mga mangingisda sa Pagudpud, Ilocos Norte matapos silang makahuli ng halos dalawang toneladang malalaking tuna. Sa sobrang dami ng kanilang nahuli, ipinamigay na lang ang ibang isda upang hindi masayang at mapakibangan ng mga tao.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing malalaki ang mga tuna na nahuli ng mga mangingisda na tumitimbang ng limang kilo hanggang walong kilo ang bawat isa.



