Nahaharap sa dalawang bilang ng reklamong katiwalian ang mga Villar, gayundin ang sa iba pang opisyal ng mga local water district dahil sa hindi umano maayos na serbisyo ng PrimeWater Infrastructure Corporation, na pag-aari ng pamilya Villar. Inihayag naman ng padre de pamilya na si Manny Villar, na handa nilang sagutin ang reklamo sa tamang lugar at tamang panahon.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano nitong Biyernes, ang mga inireklamo ay ang magkakapatid sina Senador Mark at Camille Villar, at si Paolo, pati ang kanilang mga magulang na sina Manny at Cynthia.