Muling napag-uusapan ang mental health ng mga kabataan matapos mapaulat ang mga insidente ng karahasan sa mga eskuwelahan. Anu-ano nga ba ang mga posibleng senyales na naaapektuhan ang mental health ng mga kabataan, at paano ba sila dapat "pakisamahan" ng mga magulang o guardian gaya ng usapin sa grado ng kanilang pag-aaral? Alamin.
Sa On Record sa GMA show na “Unang Hirit,” sinabi ni Dra. Princess Guiranod ng Philippine Pediatric Society, at isang Child Protection Specialist, na walang isang mukha ang karahasan.