National
P661M halaga ng marijuana at shabu, bistado ng BOC sa NAIA; ibang droga, itinago sa mga laruan
Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport ang nasa 350 kilo ng ilegal na droga sa anim na inbound shipments na sinuri sa isang bodega sa Pasay City nitong Biyernes.
Ni GMA News84K nabasa

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport ang nasa 350 kilo ng ilegal na droga sa anim na inbound shipments na sinuri sa isang bodega sa Pasay City nitong Biyernes.
Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na nasabat ng mga tauhan nito ang mga high-grade marijuana o kush, methamphetamine hydrochloride o shabu, at acetylcodeine.
Kabilang sa mga nasamsam ang 307.866 kilo ng kush mula sa dalawang shipment na nagmula sa Thailand at ipinadala ng iisang shipper.



