National
Nasa 30 katao, patay sa sunog matapos maaksidente ang sasakyang may kargang petrolyo sa Egypt
Hindi bababa sa 30 katao ang nasawi habang 15 iba pa ang nasugatan matapos tumaob at masunog ang isang sasakyang may kargang produktong petrolyo sa isang pangunahing lansangan sa Egypt, ayon sa kanilang health ministry.
Ni GMA News185K nabasa

Hindi bababa sa 30 katao ang nasawi habang 15 iba pa ang nasugatan matapos tumaob at masunog ang isang sasakyang may kargang produktong petrolyo sa isang pangunahing lansangan sa Egypt, ayon sa kanilang health ministry.
Nangyari ang insidente sa tinatawag na ring road na nag-uugnay sa mga pangunahing highway sa Greater Cairo, kabilang na sa Cairo, Giza at Qalyubia.



