National
Misteryosong lalaking nakabarong, nahuli-cam na biglang naglaho sa dilim sa gilid ng kalsada sa Oriental Mindoro
Nabalot ng takot ang dalawang magkaibigang sakay ng motorsiklo matapos na mahagip sa kanilang cellphone camera sa dis-oras ng gabi ang isang lalaking nakabarong na nasa gilid ng madilim na kalsada at biglang naglaho sa O
Ni JAMIL SANTOS,GMA News128K nabasa

Nabalot ng takot ang dalawang magkaibigang sakay ng motorsiklo matapos na mahagip sa kanilang cellphone camera sa dis-oras ng gabi ang isang lalaking nakabarong na nasa gilid ng madilim na kalsada at biglang naglaho sa Oriental Mindoro. Paniwala ng mga residente sa lugar, ang misteryosong nilalang ang dahilan ng mga aksidente doon at may mga namamatay.
Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, itinampok ang video ng magkaibigang sina RB Mangao at Rhed Masilungan kung saan nahuli-cam nila ang lalaking nakabarong sa gitna ng dalawang poste nitong Setyembre 10, dakong 7 p.m.



