National
Marcos, nanghihinayang sa pagsasara ng Bataan Nuclear Power Plant: 'Too bad they stopped it'
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado ang kaniyang pagkadismaya sa desisyon ng gobyerno noong huling bahagi ng dekada 1980 na ihinto ang paggamit ng Bataan Nuclear Power Plant, na itinayo noong adminis
Ni JAMIL SANTOS,GMA News68K nabasa

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado ang kaniyang pagkadismaya sa desisyon ng gobyerno noong huling bahagi ng dekada 1980 na ihinto ang paggamit ng Bataan Nuclear Power Plant, na itinayo noong administrasyon ng kaniyang ama.
Ito ang inihayag ni Marcos sa kaniyang pagbisita sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute.
“In 1986, we were already in the first two phases. We were already in that. In fact, that pool of trained professionals...they're still around waiting to put their knowledge into practice,” sabi ni Marcos.



