National
Marcos, binigyan ng absolute pardon si Mary Jane Veloso
Binigyan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng absolute pardon o ganap na kapatawaran ang dating overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso, batay sa nakalap na impormasyon ng GMA News nitong Biyerne
Ni GMA News79K nabasa

Binigyan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng absolute pardon o ganap na kapatawaran ang dating overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso, batay sa nakalap na impormasyon ng GMA News nitong Biyernes.
"Sige, I'll give you a scoop. Pinirmahan ko na... Pinirmahan ko na ‘yung pardon niya kahapon," sabi ni Marcos sa isang panayam kay Vonne Aquino ng GMA News.
Kinumpirma na ng Palasyo na seryosong pinag-iisipan ang pagbibigay ng absolute pardon kay Veloso.



