Bagaman binati ni Interior Secretary Jonvic Remulla si Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio matapos na magnegatibo sa drug test, sinabi ng kalihim na lumalabas na “natural ang sayad ng utak” ng lokal na opisyal.
Nagpa-drug test si Respicio nitong Miyerkoles matapos sabihin ni Remulla na dapat ipa-drug test ang bise alkalde kasunod ng pakikipagtalo at pakikipagsigawan nito sa mga opisyal ng barangay sa Reina Mercedes sa isang pagpupulong.