Nagpasya ang Senate impeachment court nitong Martes na hindi mapipilit si Vice President Sara Duterte na aminin na nagmamay-ari siya ng mga bank account kung saan isinumite ang mga record sa kaniyang impeachment trial.
Lumabas ang desisyon matapos bawiin ng House prosecution panel ang request for admission nitong Lunes at sa halip, hiniling sa depensa na sumang-ayon sa mga probisyon, o kasunduan, sa pagiging tunay ng bank records.