National
Golden Retriever na sobrang 'friendly,' gustong makipaglaro kahit sa lalaking 'akyat-bahay'
Karaniwang iniiwan ang mga aso sa bahay para magbantay nang hindi makasalisi ang mga kawatan. Pero iba ang naging kuwento sa isang golden retriever sa San Diego, California, na sa halip na tahulan ang lalaking pumasok sa
Ni GMA News32K nabasa

Karaniwang iniiwan ang mga aso sa bahay para magbantay nang hindi makasalisi ang mga kawatan. Pero iba ang naging kuwento sa isang golden retriever sa San Diego, California, na sa halip na tahulan ang lalaking pumasok sa kanilang bahay, tila inaya pa niya ito na makipaglaro sa kaniya.
Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabing wala sa bahay ang furdad ni Nash na si Dante Rowley at kaniyang fiancée nang mangyari ang insidente.



