National
Gobernador ng Quirino na si Dax Cua, pumanaw sa edad na 48
Pumanaw sa edad na 48 ang gobernador ng lalawigan ng Quirino na si Dakila Carlo “Dax” Cua, ayon sa isang post ng Kamara de Representantes nitong Miyerkoles.
Ni JEAN MANGALUZ, GMA News113K nabasa

Pumanaw sa edad na 48 ang gobernador ng lalawigan ng Quirino na si Dakila Carlo “Dax” Cua, ayon sa isang post ng Kamara de Representantes nitong Miyerkoles.
Nitong Martes, nagkaroon ng mga ulat tungkol sa pagpanaw ni Cua na kinumpirma ng Kamara at iba pang organisasyon ngayong araw.
Dati ring nagsilbing kongresista si Cua, mula ika-15 hanggang ika-17 Kongreso bilang kinatawan ng nag-iisang distrito ng lalawigan.
“We remember Governor Dax for his years of dedicated public service and his commitment to the people of Quirino and to strengthening local governance in the Philippines and across the Asia-Pacific region,” saad post ng Kamara sa X.



