National
Fetus, natagpuang nakasilid sa kahon ng sapatos at nakahalo sa mga basura sa QC
Isang fetus ang natagpuang nahalo sa mga basura sa Regalado Highway sa Barangay North Fairview, Quezon City bago mag-alas tres y media ng hapon nitong Linggo, Nobyembre 1, Araw ng mga Patay.
Ni JAMES AGUSTIN,GMA News58K nabasa

Isang fetus ang natagpuang nahalo sa mga basura sa Regalado Highway sa Barangay North Fairview, Quezon City bago mag-alas tres y media ng hapon nitong Linggo, Nobyembre 1, Araw ng mga Patay.
Nakasilid ang fetus sa kahon ng sapatos at ibinalot sa plastic.
Ayon sa mga taga-barangay, isang lalaking nangangalakal ng basura ang nakadiskubre sa fetus.
Sa kuha ng CCTV, kita ang lalaki na itinutulak ang kanyang trike.



