National
Estudyanteng namaril sa isang paaralan sa Banga, S. Cotabato, baril ng ama na taga-DepEd ang ginamit
Inilahad ni Mayor Albert Deocades Palencia ng Banga, South Cotabato na winasak ng estudyanteng namaril ang vault na pinagtataguan ng baril ng kaniyang ama, kaya nakuha ito at naipasok sa Banga National High School.
Ni JAMIL SANTOS,GMA News177K nabasa

Inilahad ni Mayor Albert Deocades Palencia ng Banga, South Cotabato na winasak ng estudyanteng namaril ang vault na pinagtataguan ng baril ng kaniyang ama, kaya nakuha ito at naipasok sa Banga National High School.
Sa panayam sa kaniya sa Super Radyo dzBB nitong Biyernes, sinabi ni Palencia na ang baril ay pag-aari ng ama ng estudyante na isang guro at empleyado ng Department of Education Region 12.



