National
Briton, nasawi matapos sumailalim sa penis enlargement procedure sa Thailand
Iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Thailand ang isang klinika sa Bangkok dahil sa pagpanaw ng isang Nigerian-born British businessman at influencer matapos na sumailalim sa penis enlargement procedure. Ang pasyente na k
Ni GMA News147K nabasa

Iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Thailand ang isang klinika sa Bangkok dahil sa pagpanaw ng isang Nigerian-born British businessman at influencer matapos na sumailalim sa penis enlargement procedure. Ang pasyente na kilala sa tawag na “Tiny" at "Ego," suki sa klinika at limang ulit na umanong binigyan ng penile enlargement injections.
Ayon sa isang coroner sa London, pumanaw noong Marso ang 43-anyos na Briton sa Thailand, ilang oras matapos siyang maturukan ng hyaluronic acid.



