National
Batang babae, pumutok at dumugo ang ulo matapos umanong batuhin ng rider at angkas na nakaalitan ng kaniyang ina
Pumutok at dumugo ang ulo ng isang batang babae dahil sa tinamo nitong sugat matapos umanong batuhin ng matigas na bagay ng isang rider at angkas nito sa Antipolo City. Nangyari ang insidente habang nakasakay sa tricycle
Ni GMA News132K nabasa

Pumutok at dumugo ang ulo ng isang batang babae dahil sa tinamo nitong sugat matapos umanong batuhin ng matigas na bagay ng isang rider at angkas nito sa Antipolo City. Nangyari ang insidente habang nakasakay sa tricycle ang bata kasama ang kaniyang ina, na nakaalitan umano ng mga suspek.
Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, ipinakita ang video footage ng rider at angkas nito na tila kinukuhanan ng video ang mag-ina na nasa tricycle gamit ang kanilang cellphones.



