National
Babae na dating na-stroke, nasalpok ng motorsiklo sa Caloocan; rider, hinahanap
Natumba sa kalsada at nasugatan ang isang 56-anyos na babae matapos siyang masalpok ng motorsiklo sa Caloocan. Ang biktima, hindi kaagad nakabangon dahil bahagyang baldado ang kalahati ng kaniyang katawan dahil sa stroke
Ni GMA News72K nabasa

Natumba sa kalsada at nasugatan ang isang 56-anyos na babae matapos siyang masalpok ng motorsiklo sa Caloocan. Ang biktima, hindi kaagad nakabangon dahil bahagyang baldado ang kalahati ng kaniyang katawan dahil sa stroke.
Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa GMA News Unang Balita nitong Miyerkoles, mapanonood sa CCTV camera sa Barangay 176-B, ang pagkanan ng isang motorcycle rider nang mahagip niya ang isang babaeng tumatawid sa Langit Road dakong 8:00 a.m. nitong Lunes.



