National
4 menor de edad na lalaki na nangholdap ng isang babae sa Iloilo, naaresto
Nabiktima ang isang babae ng panghoholdap ng apat na menor na edad na lalaki, at natangayan ng cellphone at ATM cards sa Pavia, Iloilo.
Ni GMA News155K nabasa

Nabiktima ang isang babae ng panghoholdap ng apat na menor na edad na lalaki, at natangayan ng cellphone at ATM cards sa Pavia, Iloilo.
Sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa Balitanghali nitong Huwebes, lumabas sa imbestigasyon na pauwi na ang babae sa kaniyang boarding house nang lumapit sa kaniya ang dalawang binatilyo at tinutukan siya ng kutsilyo.
Maya-maya pa, kinuha nila at ng dalawa pa nilang kasama ang bag ng biktima na may cellphone at ATM cards.



