National
4 katao, kabilang ang 3 menor de edad, sugatan matapos saktan umano ng ilang barangay officials
Sugatan ang apat katao, kabilang ang tatlong menor de edad, dahil sa pananakit umano ng ilang mga tauhan sa isang barangay sa Tondo, Maynila.
Ni GMA News34K nabasa

Sugatan ang apat katao, kabilang ang tatlong menor de edad, dahil sa pananakit umano ng ilang mga tauhan sa isang barangay sa Tondo, Maynila.
Sa ulat ni Jhomer Apresto sa GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, mapanonood ang pagdampot ng isang ex-o ng barangay sa 21-anyos na lalaki na nakatambay sa isang motorsiklo gabi ng Setyembre 16.
Pero sa halip na sa barangay hall dinala ang lalaki, idiniretso siya sa isang eskinita kung saan may iba pang mga opisyal ng barangay na nag-iinuman.



