Nauwi sa suntukan ang pagbusina umano ng isang van sa isang siklistang nasa paahon na bike lane sa Antipolo, Rizal dahil wala sa linya. Ang driver at may-ari ng van, pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO).
Sa ulat ni Ian Cruz sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkoles, makikita ang biker na nagpakawala ng mga sipa at suntok sa tatlong lalaking bumaba mula sa van.
May kakataon naman na natumba ang siklista matapos siyang makuyog at tamaan pa ng ibinato sa kaniya ng kaniyang mga kalaban.