National
2-anyos na lalaki, patay matapos umanong saktan ng live-in partner ng ina sa Cebu City
Nasawi ang isang 2-anyos na batang lalaki matapos umanong pagbuhatan ng kamay ng live-in partner ng kaniyang ina sa Cebu City. Depensa ng suspek, hinampas niya lamang ang likod ng bata dahil nahihirapan itong huminga dah
Ni GMA News192K nabasa

Nasawi ang isang 2-anyos na batang lalaki matapos umanong pagbuhatan ng kamay ng live-in partner ng kaniyang ina sa Cebu City. Depensa ng suspek, hinampas niya lamang ang likod ng bata dahil nahihirapan itong huminga dahil sa sipon pero biglang may lumabas na kasamang dugo.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa GMA News Unang Balita nitong Biyernes, naiwan noon sa inuupahang kuwarto ang suspek at ang bata habang nasa trabaho ang ina ng biktima.



