National
2-anyos na lalaki na nasagasaan ng closed van, sugatan pero nakaligtas
Laking pasasalamat ng pamilya ng isang batang lalaki na dalawang-taong-gulang na bagaman sugatan, nakaligtas ang paslit matapos masagasaan ng closed van sa Caloocan City. Ang lola ng bata, naniniwalang iniligtas ng anghe
Ni GMA News189K nabasa

Laking pasasalamat ng pamilya ng isang batang lalaki na dalawang-taong-gulang na bagaman sugatan, nakaligtas ang paslit matapos masagasaan ng closed van sa Caloocan City. Ang lola ng bata, naniniwalang iniligtas ng anghel ang kaniyang apo.
Sa ulat ni Gabriel Gonzalez sa GTV News Balitanghali nitong Lunes, makikita sa CCTV footage na dumadaan ang closed van sa Barangay 180 nang biglang tumawid ang bata noong Biyernes ng hapon.
Tumigil ang van at makikitang nakahandusay na sa likod nito ang bata.



