National
14-anyos na sangkot sa pambubugbog umano sa Grade 10 student noong Pebrero, hawak na ng mga awtoridad
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang isang 14-anyos na binatilyong kasama umano sa pambubugbog sa isang Grade 10 student na namatay kalaunan sa Baseco, Maynila noong Pebrero.
Ni GMA News191K nabasa

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang isang 14-anyos na binatilyong kasama umano sa pambubugbog sa isang Grade 10 student na namatay kalaunan sa Baseco, Maynila noong Pebrero.
Sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing isinilbi ang warrant of arrest ng Malate Police Station sa menor de edad nitong Setyembre 7.
“Fourteen years old. Ang participation niya roon sa insidente, kasama siya sa nambugbog sa biktima na eventually namatay sa ospital,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Norman Patnaan, Station Commander ng MPD 9.



