National
1 estudyante patay, 4 pa sugatan sa pamamaril sa isang paaralan sa South Cotabato
Isang estudyante ang nasawi, habang apat pa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Banga National High School sa Banga, South Cotabato ngayong Biyernes ng hapon.
Ni GMA News106K nabasa

Isang estudyante ang nasawi, habang apat pa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Banga National High School sa Banga, South Cotabato ngayong Biyernes ng hapon.
Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo, nasawi ang isang estudyante habang ginagamot naman sa ospital ang apat na iba pa.
Dahil sa insidente, sinabi ng Banga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na kaagad sinuspinde ang klase sa lahat ng paaralan sa Banga.



