Entertainment
Yeng Constantino, nilinaw na may mas malalim na dahilan kaya hindi sila nagkatuluyan ni Ryan Bang
May nilinaw si Yeng Constantino tungkol sa nasabi niya sa kaniyang "Biyaheng Bente: 20th Anniversary Concert," na na-“seenzoned" siya ni Ryan Bang, kaya hindi sila nagkatuluyan.
Ni GMA News65K nabasa

May nilinaw si Yeng Constantino tungkol sa nasabi niya sa kaniyang "Biyaheng Bente: 20th Anniversary Concert," na na-“seenzoned" siya ni Ryan Bang, kaya hindi sila nagkatuluyan.
“Yung seenzoned, hindi talaga siya seenzoned,” ani Yeng sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes.
Kuwento ni Yeng, nagpadala siya ng mensahe kay Ryan matapos ang nakaraang concert niya upang kumustahin ito dahil marami ang nag-alala para sa komedyante.



