Entertainment
Vince Maristela, naglakad sa baha at sumakay sa truck ng bumbero kasabay ng mga tao dahil sa trapik
Game at masayang sumabak sa lakaran sa kalsada sa gitna ng ulan ang ex-housemate sa reality show na Pinoy Big Brother na si Vince Maristela dahil sa baha at matinding trapik.
Ni GMA News61K nabasa

Game at masayang sumabak sa lakaran sa kalsada sa gitna ng ulan ang ex-housemate sa reality show na Pinoy Big Brother na si Vince Maristela dahil sa baha at matinding trapik.
Sa ulat ng GMA News Saksi nitong Lunes, ipinakita ang ginawang pag-video ni Vince sa kaniyang sarili na nakapayong habang naglalakad sa daan na may mababaw na baha dahil sa malakas na pag-ulan na naranasan sa Luzon.



